header (advertisement)

Monday, May 13, 2019

Dupang

- - OMM’s Law

Sa tubig pinagkaitan,
tagapangasiwa naman ng iyong pinagkainan,
nagtataka kung satin ba’y totoo pa?
Mga galaw at kilos na di ko maipinta.

Nagmuni-muni nang pansamantala,
at nabatid kong huwag nang sumama;
mga mantel, kutson, alpombra at linen na sayo’y kukubra,
ramdam na ramdam kong ako’y abala.

Sinusubukang lunukin ang paninindigan,
at pakawalan ang mga kinabubwisitan,
Sa kabilang banda’y iniisip,
pag-rektipika kaya’y tamang kalakip?

Ilang araw na pinag-isipan,
Galit nang isip at pag-uumatikabo ng pusong kay tamis,
Sadyang di matinag sa puso ng paslit,
Mukang ito nanaman at kukupit.

Ako’y isang hangal sayong kakababawan,
Subalit asar na asar sa hina mo sa iilang kusing lamang,
Wag mong hayaan na ibang tao pa sayo’y maghusga,
Nandito ako at gagabay sana!

Hindi ko papayagang ika’y kainin nila,
Subalit ako’y may prinsipyo na sarili’y unahin muna.
Unahin ang sarili bago magligtas ng iba,
at sa dami nang “iba”,
ikaw sa aki’y nangunguna.

Patawad kung ika’y magdaramdam.

#Infinitylockstone #Electionday