header (advertisement)

Sunday, July 8, 2018

Mabahong Kwento (SPG)

Mabahong kuwento [SPG]

Warning, bawal sa maselan ang kwentong ito. Nakakahiya ishare pero who cares, di naman ako makikilala. Hahahaha! Ito na ata yung pinaka-nakakakaba, nakakahiya at pinaka-nakakadiring pangyayari sa buhay ko.

So ito na nga. Bigla akong sinundo ng boyfriend ko sa bahay namin. Wala akong kaalam-alam na pupunta siya. Sabi niya mag-lalunch lang kami sa labas sandali. "SANDALI" kasi kung di niya sinabi yung word na yun, di ako sasama dahil that morning uminom ako ng slimming tea na nagpapa--alam niyo na.

So nagbihis ako, casual lang. Short and Tshirt. Pero sabi niya mag-ayos daw ako kasi sa mamahaling resto raw kami kakain. Edi nag-ayos. Pero shet dinala niya ako sa bahay nila. Birthday pala ng dad niya. Pagdating ko sinalubong agad ako ng parents niya. Kwentuhan habang piniprep ang handa ng mga sisters niya.  Nung ok na lahat, kumanta na ng Happy Birthday for his dad tapos nag start na kumain.

Nakakalimang subo pa lang ako ng kanin na may ulam na liempo.. (krook) sigaw ng tiyan ko.

sabi ko sa isip ko, Lord wag ngayon please, wag ngayon

*krook* shet binibigyan talaga ako ng pagsubok ni Lord.

Me: Babe p'wede makigamit ng CR?
BF: Sige sa second floor, kaliwa kasi ung kanan pang shower.
Me: Sige, thank you. I will just go to the rest room. (umeenglish pa ang lola niyo)

Akyat ako sa second floor, pumunta sa CR sa kanan. Nakakita ng kubeta, nirelease ang sama ng loob. Haaay, kaloka ka Kankunis! Edi okay na, akala ko nalagpasan ko na ang pagsubok ni Lord. Ifaflush ko na yung mahabang ahas na dilaw, futaaa sira ung kubeta!!! Ayaw lumubog jusko!! Buhos ako nang buhos ng tubig pero napupuno lang siya TANGINUHHH! Di ko alam gagawin ko. Pakonti-konti lang ang lubog ng tubig pero lumulutang pa rin ung object na korte at kulay saging. Hayuup pawis na pawis ako sa kaba at sa ginagawa ko. Hulas na ang make-up ko mga ateng! Jusko! Tense na tense ako! Dasal dasal ako ng ama namin para lumubog ung saging! Ilang beses akong buhos lang nang buhos! Gusto kong umiyak!!

Mag-iisang oras na ako sa banyo pero di ko pa rin maresolba problema ko. Alam kong tapos na silang kumain at hinihintay na lang nila ako. Takot na takot ako na baka katukin na ako at madatnan yung pasabog ko sa kubeta nila. Nag iisip na ako ng mga plano. Mga planong ni minsan di ko naisip na magagawa ko sa buhay ko.

PLAN A. Dudurugin ko yung tae sa tabo tapos ibubuhos ko sa drainage. (salahula pero patibayan nalang ng sikmura)

PLAN B. Dadakutin ko yung ano tapos ibabato ko sa bintana ng banyo nila. (kaso iniisip ko baka may mabagsakan na kapitbahay at mag-reklamo, mas lalo akong pahiya)

PLAN C. Ito yung ginawa ko. Ito yung nagawa ko dahil tangina kinakatok na ako ng boyfriend ko sa banyo.

SA SOBRANG TARANTA, DINAKOT KO YUNG TAE GAMIT YUNG SUPOT NG PUREGOLD NA NAKITA KO SA BANYO NILA SAKA KO IPINASOK SA BAG KO. TANGINA BESSY MAINIT INIT PA!

Binuhusan ko ng shampoo ung kubeta sabay buhos ng tatlong tabong tubig para bumula at hindi mapansin yung madilaw na tubig.

Pagbukas ko ng pinto,

BF: Oh anong ginawa mo? Bat ang tagal-tagal mo?!
Ako na pawis na pawis at hinihingal: Umihi ako babe kaso hindi ko maflush yung bowl kanina pa.
BF: Yan lang pala eh, ako na bahala. Sige na bumaba ka na dun.
Ako: Babe, pwede bang umuwi na muna ako? Nahihilo ako eh, sobrang sama ng pakiramdam ko. Bawi na lang ako. Please?
BF: Sige babe, paalam muna tayo kina dad.

Edi ayon na nga nag paalam na, beso beso ganyan.

Pumasok ng sasakyan, yung boyfriend ko nagkukwento pero di ko iniintindi kasi nga tangina sino ba naman marerelax kung alam mong may tae sa bag mo diba?!!! Iniisip ko na sana hindi butas yung supot at hindi kumalat yung katas sa cellphone at mga make-up ko.

Hanggang sa bumalik ako sa ulirat dahil sa narinig ko mula sa boyfriend ko, "Bakit parang mabaho? Parang ano eh... parang amoy tae?"

Sabi ko, oo nga eh, baka may natapakan ka lang or baka ung hangin sa aircon? Or baka marumi na talaga tong kotse mo, ipalinis mo na.

At ayun, hanggang sa nakauwi ako ng bahay. Takbo sa banyo, tinanggal ang plastic na may erna at super thankful na hindi butas pero mejo basa basa pa rin ang gamit ko gawa ng pagkakadakot ko ng erna sa bowl gamit yung supot.

And finally, yung bag itinapon ko kasama yung plastic na may erna sa malaking trashbin sa tapat ng bahay namin with matching..

"Adios!
Tangina ka pinahirapan mo ko!"

Lesson learned: Hindi porke taeng-tae ka na hindi mo na iintindihin ang kaibahan ng kanan sa kaliwa.

©2018
By:ABS-CBN

No comments:

Post a Comment