Ang huling artikulo na di ko inakala,
Baluktot,
Malikot,
At di kapani-paniwala.
Mga salitang, nagkukubli sa bawat bantas,
Nagpadaloy ng likido,
Na tila ba’y acidic na rekado,
Na lumusaw ng kalabuan ng bawat ritmo.
Kasabay ng paliwanag ng isang tunog,
Na dagliang nagpaagos ng nakasisilaw na paglayog.
Umuugong na salita sa aking pandinig.
Sa wakas
mga bigkas,
Mula sa iyong may salamangkang bibig.
Mga yugto nitong artikulo,
Ay di kapani-paniwala.
Subalit tila ba’y,
Tinutulak ng di maipintang tadhana.
O anong kabuktutan,
Ang aking nahagilap.
Nakayang lumubog,
Manatili lang na di na muli,
Ay sumabog.
Mahirap umasa sa mga ala-ala,
Subalit ang senyas ng pag-hinga,
Ay di bat puno ng hanging,
May lasa?
Handang manatili,
Sa hangin at magpanggap na hamog,
Bastat sa paligid mo,
Kung papalarin ay mamanaog.
Limitasyon at panganib
Ay aking aalisin.
Masigurado lang
Na himig mo’y madinig ko pa rin.
Makikinig twina sa iyong mga sentimiento,
Kahit na madalas ay masisilaw ako.
Batid ko ang saya sa bawat pangungusap.
Kilig at kati ng hatid mong apuhap.
“Aralin bilang XXXVII” ang bagong titulo.
Sapagkat sa buhay,
Di dapat nang gugulo.
Punuin ang mundo,
Ng ligaya at pag-asa.
Alamin at sistema,
At kumplikasyon ng siyensya.
Hindi tamang gawi,
Iwawaksi at lalayuan,
Mga emosyon ay magiging alipato nang tuluyan.
Ikalat ang ngiti
at hindi ang pamumutawi.
Na magdadala lamang
nang sensitibong buhawi.
Halusinasyon ay daglian nang winaglit,
Nagaabang ihilera sa mga kaibigang matalik,
Ang bunga ng pagsasaliksik sa aking kabuuan,
At sadyang itinerno nang ika’y di na masaktan.
Kasiyaha’y namutawi,
sa imihinasyong ispiritwal.
Kuntentont pipikit,
Sa mga awit ng pag-ibig
#Infinitysoul