header (advertisement)

Monday, May 13, 2019

Dupang

- - OMM’s Law

Sa tubig pinagkaitan,
tagapangasiwa naman ng iyong pinagkainan,
nagtataka kung satin ba’y totoo pa?
Mga galaw at kilos na di ko maipinta.

Nagmuni-muni nang pansamantala,
at nabatid kong huwag nang sumama;
mga mantel, kutson, alpombra at linen na sayo’y kukubra,
ramdam na ramdam kong ako’y abala.

Sinusubukang lunukin ang paninindigan,
at pakawalan ang mga kinabubwisitan,
Sa kabilang banda’y iniisip,
pag-rektipika kaya’y tamang kalakip?

Ilang araw na pinag-isipan,
Galit nang isip at pag-uumatikabo ng pusong kay tamis,
Sadyang di matinag sa puso ng paslit,
Mukang ito nanaman at kukupit.

Ako’y isang hangal sayong kakababawan,
Subalit asar na asar sa hina mo sa iilang kusing lamang,
Wag mong hayaan na ibang tao pa sayo’y maghusga,
Nandito ako at gagabay sana!

Hindi ko papayagang ika’y kainin nila,
Subalit ako’y may prinsipyo na sarili’y unahin muna.
Unahin ang sarili bago magligtas ng iba,
at sa dami nang “iba”,
ikaw sa aki’y nangunguna.

Patawad kung ika’y magdaramdam.

#Infinitylockstone #Electionday

Tuesday, March 12, 2019

The Newest Philippine Sensation (haha)


This on is an original version of our very own self composed song with the tune of Environment, Health and Safety!

Tuesday, March 5, 2019

Wala na

- - - OMM’s Law

Wala na talaga..
Wala na.
Wala na...

Wala na talaga ito,
Kahit ano pa sigurong gawin mo.
Man loko,
Gumawa ng kasalanan,
o kahit na ano pa man.

Hahanapin at patatawarin ka pa rin ng puso ko.
Mahuli man kitang humahanap ng iba,
Naglilibang sa ibang inanyayahan;
Wala na talaga. Ako’y sayo na.

Ito ang pinaka ibang naramdaman;
Mahal kahit walang usapan,
Sigurado kahit konting senyas lang.
Isumpa man ako o iyong ipagtabuyan;
Mahal pa din kitang lubusan.

Tumingin sa salamin,
Pagpapasslamat sa ito ang bigkas sa sarili.
Sipatin ang bituin,
Ikaw pa din ang tinatangi.

Bawat pikit,
Bawat hinga,
Bawat galaw.
Ikaw lang walang iba.
Boooow.

#infinitylocklove

Friday, February 1, 2019

Ikaw

- - OMM’s Law
02.02.19

Ibang-iba ang himig,
Bawat salita,
Bawat titik,
Isang pito mula sa langit,
Ayan na. Sabi ko na.
Nawala na ang mga pangit.

Naghihimutok ang aking kagalakan,
Madinig lang ang tinig mong inaasamsam.
Hindi ko alam bakit ganito,
Puso ko’y nabihag mo.

Bagong pang haharana;
Luma bang talaga?
Bakit ako’y lumipipad;
Problema’y kung saan na naglagalag.

Ang boses mo makabuluhan;
Dala sa akin ay ritmomg di maintindihan.
Galit at alimpuyos ay siguradong lusaw.
Sa himig mong pang bakulaw.

Isang milyong pagtatampo’y mahihiya;
Maghahanda at sasalubong sayo ng bigla;
Mahal kita mula sa kaibuturan.
Ikaw hanggang sa walang hanggan.

#infinitylocksoul