header (advertisement)

Monday, November 20, 2023

Ang Ingay

  • OMM’s Law


Ang ingay-ingay sa kabilang kwarto,

Akala mo namang lehitimong tagarito.

Akala ko tlaga ay 5 star to,

Bakit dinig na dinig ang hagupit ng latigo.


Napakalamig ng lugar na ito,

Subalit ako’y gumising sa nagbabagang impyerno.

Sa almusalan naman ako’y pinagtakhan.

Mga matang namangha sa aking bruskong katawan.


Mga tao’y tila nilatagan ng makapal na baluti,

Subalit ako’y halos hubad sa disyerto palagi.


Itong mamang sobra naman ang ingay!

Isang gabi pay, 

Susunugin ko ang iyong bahay.

Huwag kang lalabas dyan sa kwarto.


Siguradong bubusalan ko ang bibig mo.



#NeedtoSleep

Sunday, November 19, 2023

Aralin bilang XXXVII

  • OMM’s Law

Ang huling artikulo na di ko inakala,

Baluktot,

Malikot,

At di kapani-paniwala.


Mga salitang, nagkukubli sa bawat bantas,

Nagpadaloy ng likido,

Na tila ba’y acidic na rekado,

Na lumusaw ng kalabuan ng bawat ritmo.


Kasabay ng paliwanag ng isang tunog,

Na dagliang nagpaagos ng nakasisilaw na paglayog.

Umuugong na salita sa aking pandinig.

Sa wakas

mga bigkas,

Mula sa iyong may salamangkang bibig.


Mga yugto nitong artikulo,

Ay di kapani-paniwala.

Subalit tila ba’y,

Tinutulak ng di maipintang tadhana.


O anong kabuktutan,

Ang aking nahagilap.

Nakayang lumubog,

Manatili lang na di na muli,

Ay sumabog.


Mahirap umasa sa mga ala-ala,

Subalit ang senyas ng pag-hinga,

Ay di bat puno ng hanging,

May lasa?


Handang manatili,

Sa hangin at magpanggap na hamog,

Bastat sa paligid mo,

Kung papalarin ay mamanaog.


Limitasyon at panganib

Ay aking aalisin.

Masigurado lang

Na himig mo’y madinig ko pa rin.


Makikinig twina sa iyong mga sentimiento,

Kahit na madalas ay masisilaw ako.

Batid ko ang saya sa bawat pangungusap.

Kilig at kati ng hatid mong apuhap.


“Aralin bilang XXXVII” ang bagong titulo.

Sapagkat sa buhay,

Di dapat nang gugulo.


Punuin ang mundo,

Ng ligaya at pag-asa.

Alamin at sistema,

At kumplikasyon ng siyensya.


Hindi tamang gawi,

Iwawaksi at lalayuan,

Mga emosyon ay magiging alipato nang tuluyan.


Ikalat ang ngiti 

at hindi ang pamumutawi.

Na magdadala lamang 

nang sensitibong buhawi.


Halusinasyon ay daglian nang winaglit,

Nagaabang ihilera sa mga kaibigang matalik,

Ang bunga ng pagsasaliksik sa aking kabuuan,

At  sadyang itinerno nang ika’y di na masaktan.


Kasiyaha’y namutawi,

sa imihinasyong ispiritwal.

Kuntentont pipikit,

Sa mga awit ng pag-ibig


#Infinitysoul

Monday, March 13, 2023

FYI….

Saan ka na ba?
Nagtungo nanaman ako dito,
Alas nuebe ng gabi’t pangod..
sa mga hinuhang naglalapat ulit
ang labi mo
sa labi ko.

Nasaan ka na nga?
Nakakainis ang nakaraan
Subalit nailimbag ko na ang bawat mantsa
Sa hangin at harinang, 
Paulit-unlit na minasa,
Sinagasaan, ininin, binanat at initsa.

Seryoso,
Asan ka na?
Tara dito sa tabi ko,
Kahit na naiinis ka sa gawi ko,
basta dito ka lang sa tabi.

Wag mo nang itanong kung
Ikaw ba ito.
Isipin mo nalang ang na ikaw ang kaisa-isang
Pinagpractisan ko ng CPR,
Kahit isang libo sa aki’y pinagkaitan.

Sa Singapore ay halos magkatulakan.
Simula umpisa sa Kalibo
Hanggang matapos at nagkakalintikan.
Ewan ko ba.
Iniibig pa rin kita.