header (advertisement)

Friday, February 1, 2019

Ikaw

- - OMM’s Law
02.02.19

Ibang-iba ang himig,
Bawat salita,
Bawat titik,
Isang pito mula sa langit,
Ayan na. Sabi ko na.
Nawala na ang mga pangit.

Naghihimutok ang aking kagalakan,
Madinig lang ang tinig mong inaasamsam.
Hindi ko alam bakit ganito,
Puso ko’y nabihag mo.

Bagong pang haharana;
Luma bang talaga?
Bakit ako’y lumipipad;
Problema’y kung saan na naglagalag.

Ang boses mo makabuluhan;
Dala sa akin ay ritmomg di maintindihan.
Galit at alimpuyos ay siguradong lusaw.
Sa himig mong pang bakulaw.

Isang milyong pagtatampo’y mahihiya;
Maghahanda at sasalubong sayo ng bigla;
Mahal kita mula sa kaibuturan.
Ikaw hanggang sa walang hanggan.

#infinitylocksoul