header (advertisement)

Sunday, September 16, 2018

Tula

Tula
- OMM’s Law

Manunuot ang mga salita;
Letra at bantas ay maglalaro sa mga talata;
Sabay mulat ang mata ng isang makata;
Ilalabas ang panulat at malalamyos na diwa.

Lalaruin unti-unti ang tangang pluma;
Tapos magsisimulang ilabas ang drama o saya;
Kayurin mo nang pambura ang pag-iisip sa kanya;
Dahil alam mong ito ay problema;

Di maiwasang mag-isip ng di maganda;
Dahil ikaw ang sadyang sinisinta;
Bakit masama ang ihip ng hangin?
Baka dala mo’y masamang ispiritu patungo sa akin;

Ayoko nang isipin ka;
At magsayang ng tinta ng pluma;
Ang hirap alamin ang bawat mong galaw;
Kaya siguro di ako pangmatagalan;

Sa ibat-ibang uri ng tao,
Kaibigan lang ang sa aki’y nagtatagal;
Dahil utak ko’y mapag-isip ng masamang larangan;
Pagligid nito’y di maisplika, parang iyong kaluluwang di ko maikadena.

Linangin ang isip sa dami ng kamunduhan;
At ibaling ang ang damdamin sa tamis ng kakayahan;
Ugaliing magtira ng pagkain para sa sarili;
Nang di matuyo ang puso na sayo’y sawi.

No comments:

Post a Comment