By OMM’s Law
Pinalipapas ko ang umagang kay lamig,
na ang mga tula’y nagngangalit,
at nag-aalimpuyos umalpas sa dibdib,
ang dokumentasyon ay pinalipas,
tayutay at balangkas ay pinilit pinaluwas.
Sinayang ang mga masasakit na araw,
pinutok na parang bula ang himig
ng lungkot na sana’y bukambibig.
Ngayon ihahabing ang buong naramdaman.
Naglagalag ang pasko ng swabe-swabe;
di ko nanaman naramdaman ang panganib pare;
nang isoli ang makamandag na putahe,
wala na pala.
Di na bale.
Bulag ako sa nakalinyang katotohan,
napilit mong ikinukubli,
at marahang pinaramdam.
Sa di pagbigkas ng salitang mahal,
hanngang sa pagbukas mo ng
kalandian mong walang pagal.
Sa pagputok ng taal,
Ako’y nasa lilim.
Naghihitay.
Walang ni Ha, ni Ho,
Sa nawawalang pag-ibig mo.
Di na natiis at gustong malinawan,
Isang daang tawag,
Stella kahit isang sagot lamang.
Salamat sa Diyos namulat pa ng umagang yaon.
Matapos ang ilan pang tawag,
Sumagot at naplantsa ang mga katanungan.
Sinasabi mong walang problema ay
Isang kasinungalingan.
Walang kakaiba.
Ika’y panandalian lamang.
#adiosamigo
#infinitylockstone
No comments:
Post a Comment