header (advertisement)

Friday, April 3, 2020

Linamnam

- - OMM’s Law

Namnamin ang bawat ugong at bigkas,
nang daliring pumipitik at umiigkas.
Tao’y nangangailangan ng butil ng bigas;
Subalit huni mo’y pabor sa mga dati ng mandurugas.

Namumutawi ang yabang sayong mga bantas,
Lirika’t galawan nama’y sadyang nang kupas.
Bigyang tanaw ang iyong nakalipas,
di ba’t landi at hinala ang sa katawa’y dinidilig at pinupunas?

Iniirog na tamihik,
parang nananabik,
sa mapanlinlang na halik,
Ikaw ay may lihim na nagikgik.

Sa likod ng linawag at makulay na lente.
Ikaw ay makati at bihasang hinete.
Mga lingkod na mapanuri naiilang sayong ere,
dahil ikaw ay manlilinlang at nakatotorete.

Hataw at indayog nang mga balakang,
nananalaytay sa mga kabalintunaan.
Paghihinagpis ay tila di na matatanaw,
lunurin ang sarili sa maasim na pananaw.

Naalimpungatan sa siklab ng iyong kayabangan,
mga alaskador na tila abang na abang.
Alam kong hindi ito kailan man maaapuhap,
kaya’t namnamin ng hipnotismo na sa iyo bumabagabag..

#infinitystoneblood

1 comment:

  1. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete