By OMMS
Sana yung mga aso may siyam na buhay din.
Na parang mga ulap na sa alapaap ay pasalubong na nakabitin.
Kitang kita ang iyong diperesya sa simula palang,
Subalit namumutawi naman ang iyong mayuming galawan at matang mapamaslang.
Ngayon lang Ako nakakita nang asong hindi naihi o nadumi sa loob ng bahay.
Yung tila bang sya ang mayor domang tahol at iyak ang hain sa kabitbahay.
Hinintay mo lang ba talaga akong umuwi kahapon Q?
Kaya pala di ko batid ang iyong liksi at ang pagdila sa akong braso.
Tinagurian ka lang babaing may luslos, subalit ang mga manliligaw ay sadyang mapanggapos.
Matatamis ang iyong luha na bumibingwit sa akong atensyon, kahit twing lalabas sa inihaw na atay lang naman ang iyong atensyon.
Mamimiss kita Q ng sobra. Maraming salamat sa ilang taon na Ronda, na tipong kahit sa bike inaangkas kita.
Galit na galit ako ng tumalon ka naman sa ebike nang makita mo ang mga bakang kakulay mo, at nabugbog naman kita ng tumakbo ka sa ulanan na baka magpasakit sayo.
Ikaw ung asong kilalang kilala ang mga kapamilya, na nung dumating si Sam, walang sigaw o kaluskos kaming naringgan kung hindi pagtangi at galak na namimutawi sa iyong mga mata.
Salamat sa maraming taon Q, at sa pagiging matapat na kapamilya, sa mga larawan at memorya na muna kita sisilipin at yayakapin paminsan-minsan.
Sana ay wala na ang mga sakit,
At puro kasiyahan nalang ang iyong iimik.
Marami pa sana tayong pagsasamahan at mga taong mapagdidiskitahan.
Malungkot man aking kaibigan.
Pero hanggang dito nalang.
Love you Q.
#InfinitystoneLove