At inumang pansumandali ang aking labi,
Sabay labas ng dila sabay kaskas sa sariling labi.
Nalasahan ko nanaman ang iyong mga labi.
Lasa nang mapusok ng imahinasyong nalalabi.
Ano bang itong nararamdaman ko.
Ngayon lang ako naging desidido ng ganito.
Anim naman ang bilang ng dumaan, pero di ko man lang binalak
na balikan;
Itong bagong sensasyon ay parang droga.
Di naamoy at di din nakikita.
Subalit punong-puno ng lasa.
Nakakaulol ang isipin ang labi mo at labi ko.
Yung tila binigkis ng langit at impyerno,
Sabayan pa ng kamandag mo at pagiging agresibo.
Nahuhumaling ako sayong pagkatao.
Yung tila ba’y ikaw ang aking amo.
Nakakaasar na ako’y may ganitong talino,
At bakit sinubukang intindihin ang mundo.
Ayoko ng sumunod sa mga batas at libro.
Sa mga sabi-sabi ng lolo at lola mo.
Gusto ko nang suwayin ang mga estilo,
At buwagin ang diretsong landas na
sinasabi ng isip ko.
Gusto kong subukin na ilabas ang nararamdamang ito.
Pag-ibig mang ayaw mo, subalit di ko naman sigurado.
Wag kang mag-alala dahil walang dapat pigilan,
Hinding hindi ka din naman inaasahan.
Hayaan mo lang akong lumusong sa batis ng kawalan,
at suungin ang susunod na kabuktutan.
Gustong-gusto ko itong maranasan.
Nang di sumabog ang dibdib ko sa diablong nag aalangan.
Ayoko nang isipin ang iniisip mo.
Isama mo na din ang ibang tao.
Di ko ninanais na ang anumang ayaw mo.
Gusto ko lang masiguro kung ano ito.
Masaya ang alapaap na aking nararanasan.
Datapwat di ko alam ang kinabukasan.
Paano o ano ba talaga ang himig na ito.
Bastat may nangyayari sa aking kung ano.
Di ko pa ito nararamdaman kaya’t di ko kayang itago.
Kaya nama’y sa tingin ko’y may teorya na sa isip mo.
Di ko ito gusto sapagkat itinutulak akong pakielaman
Ang iniisip mo.
Siyasatin ang pagkatao mo.
At alamin ang ayaw at hilig mo.
Pakiramdam ko’y dumarating na ang kinatatakutan ko.
Na may darating na bubulag sa mga mata ko.
Yung tipong wala akong paki sa kahihinatnan.
Basta masaya ka sa aking pakiramdam.
Bukas ka kasi sa aking mga banat
At istorya mo’y pinadinig sa aking paglanghap.
Buong pagkatao’y sa akin nilantad.
Nang walang pagbabakasakaling ako’y maninipat.
Nakakaasar na magaling kang magtiwala.
Sa tulad ko na di naman makahiya.
Bakit ka pa kasi nagpakilala.
Binuhay mo pa ang taong wala ng kaluluwa.
Kulay ko ngayo’y iisa.
Punong puno ng lasa mo at pagbabaka sakaling
Habang buhay na ito.
No comments:
Post a Comment