Ang Mapanlinlang na Oras
- OMM's Law
Araw ng Pagkabuo: Aug. 28, 2018
Noon ang init ng panahon ay laging kalmado,
Noon ang inog ng mundo ay ultimo perpekto,
Noon, dahan-dahan ang pintig ng puso ko,
Bakit ngayon, Oras ako’y niloloko.
Di ko mapaniwalaan ang tatlong oras mo;
Tila ba’y isang minuto ko pa lang sya naamoy,
Ang sabi mo’y almusal na ang sasalubong sa inyo?
Bakit ganon? Ikaw ba’y sadyang manloloko?
Sana’y dinggin mo ang himig ko,
Dahil sa bawat sandaling hinihiling ko,
Sya ang nasa puso’t isip ko,
Huwag mo namang madaliin ang panahong matagal nang naburo;
Naiinis ako dahil kay dalang ng aming pagtatagpo;
Kapag kami’y kakain bakit parang nabibilang ang mga subo;
Kapag kami’y kakanta’y kay bilis ng koro;
At sa twing kami’y magkatabi bilang ang bawat segundo.
Lahat ng mabilis na bilang mo;
Pakiramdam ko’y umaatikabo;
Mga sorpresang banat mo;
Kalungkutan ang nadarama ko.
Sadya bang mabilis o napapatigil nya ang oras sa piling ko?
Yung parang walang lungkot na magpapabagal ng mga senaryo.
Apoy at alipato’y maglalagablab ng slomo,
Na tila ba’y kami lang ang taong nalalabi sa paraiso.
#timespent
#locked
No comments:
Post a Comment