header (advertisement)

Saturday, June 30, 2018

Bathroom Thoughts..


Here I am on my bathroom once again.
Thinking of the possibilities. Nagmumuni-muni, Tama taglish tong article ko ngayon.
Since I am amidst in the middle of something I cannot describe.

Sa mga readers ko, have you feel this feeling I am experincing right now?
To be able to touch something that is invisible? Medyo mapanglito ang mga salitang gagamitin ko pero sana may kawavelength ako na maka-intindi nito.

Mahirap ilathala gamit ang mga salita ngunit susubukan kong pamukadkadin habang ako’y nasa trono. (Hindi ako nadumi ha.)

Yung pakiramdam na di mo akalaing mararamdaman mo. Yung esensya ng taong di mo naman kamukha o kaugali pero saktong-sakto o identical ang pag-iisip nyo. Yung kapag dinescribe mo ang utak nyo ay parang repleksyon sa tubig na singlinaw ng bagong lutong salamin.
Bakit ba sarap na sarap tayo sa pakiramdam na ito? Honestly, siguro o baka, ngayon ko lang naramdaman ito. Sabi nga nya “vulnerability”. Hacking 101 ko lang kasi yan naririnig. Pero parang nahack ako. Yung lagi kong ginagawa ayaw ko palang gawin sakin pero sarap na sarap ako kapag ginagawa sakin. (Hindi sex to ha). Yung mahack ang sistema mo? O para madali, yung kaluluwa (soul) mo. Ngayon lang to nangyari. Kung paano ko ginamit ang pegasus sa kanya at paano sya namangha ganun din ata ang impact sakin. I was caught off guard. Pero kapag nasuntok ka
Sa boxing di ba babangon ka at gaganti. Iba ang lagay sakin eh. Bumangon ako, lumapit at humiling na banatan ulet ako. Sa madaling salita bugbugin ulit ako. Hindi ko mapagtagpi tagpi ang ang bakas na nasa sistema. Pero parang isang malungkot na nobela, sumingit na naman ang entelehente kong isipan. 

Sabi ng utak ko, ito ang katapusan.  Sobrang bilis. May conclusion agad. Nabasa na agad lahat ng dapat basahin at alamin ang dapat alamin. Mula sa Bhutan patungong Basilan. Mula social networking sites hanggang outlook. Bawal nga kasi o siguro mabilis lang nahulog ang puso ko. Tapos sabi ng utak ko hindi pwede. Sulsihin ko daw muna ang mga detalye at malalaman ko ang sagot.
Bakit ganon, ang sarap palang alagaan ang ibang tao, isipin sya araw-araw at pasayahin sya sa lahat ng paraan. Kaso nga parehas kaming wavelength at ang hindi ko lang alam kung parehas kami ng paraang mag isip. Sa pagsuway sa mga alam namin tama at sa pagbuo ng alam naming imposible. Sa akin kasi, kahit ang smokeless cigarette ay posible. Transferrable phone charging ay kayang kaya. Pero sa pag iisip ko, ang ako at sya ay tanging magiging isa sa ligaya. Ligaya naman di ba? Pero malungkot yun para sa akin eh. Ibigsabihin may parte syang di ko maiintindihan, talulot na di ko maaamoy at kaisipang di ko kailan man masusuportahan o maiimpluwensyahan.

Sa oras ng ligaya ramdam ko ang sya. Pero habang natutulog at kayap sya, nabubuo ang katotohanang mukhang walang ako at sya. Isang panandalian sayaw. Isang himig na sa tula mo nalamang magagawang imortal.

Gusto ko nga sya. Gusto sa lahat ng paraan. Kahit anong maging pangit o diperensya siguro sa kanya ay matatanggap ko. Pero ngayon lamang siguro to. Bakit ganito ba ako? Nangyayari palang nasa future na ang isip ko. At lahat ng panganib na maaring mangyari ay napredict ko na agad. Kaya sa huli o pagkatapos ng mahigpit at masarap nyang yakap, susulpot ang pakiramdam na para kang nilalagnat sa nagliliyab na buhos ng ulan. Split second lang talaga pagkatapos ng yakap nya. Bakit ganito ba ako? May ganito din bang tao? Kapag sa sarili ko risk and hazard assessment pa din ang ginagawa ko. Isama mo pa ang risk prediction at control. Mukhang kahit payuhan nyo ako, mas marunong lagi ang utak ko. Masyadong mapanakit at madaling magalit. O sya ligo muna ako. Gym pa ako. P.S kung mabasa mo man ito wag mo nalang sabihin o iparamdam.

No comments:

Post a Comment