header (advertisement)

Monday, July 23, 2018

Mas Gusto..

Mas Gusto.




Mas gusto kong meron kesa wala,
Pero mas gusto kong wala kesa
merong parang wala.
Isang mahirap na sitwasyon.
Mahirap makasanayang wala,
Pero mahirap ding paniwalng hindi mawawala.

Ito ang yugto ng buhay ko na mahirap pakawalan,
Ito din ang sitwasyon na marami kang pinaniniwalaan,
Baluktot man ay marami kang katwiran.
Yung sabog ang utak mo dapatwat puno ng katarungan.

Sa pagsubo ng bigas ikaw ang naaalala,
Sa paglagok ng tubig iba nanaman ang hinuha.
Punong-puno ang isipan ko,
Kaya di ko matapos tong kinakain ko.
Inuna pa ang pagharap ng kwaderno,
Akala mo’y ikabubusog ko ito.

Iniisip ko ang iba sa kabilang banda,
Subalit tabingi talaga ang timbangang di nakikita,
Masyado kang mabigat sa aking panlasa,
Yung tipong sira na ang timbangan pero buhat pa kita.

Tila ba ako ngayo’y may malubhang karamdaman,
Parang isang batang iiyak kapag inagawan.
Nagiging maselan pagkatapos ng yapusan,
Di tinitigilang mag-isip ng kalokohan.

Masaklap man ako’y pinanghihinaan,
Sa twing binubuksan ang yong mga kahinaan.
Ritmo ng galaw na aking binabantayan.
Nakakasakit para gusto ko nalang pumikit.

Kaya itong kabulastugan aking gustong tigilan.
Nang maligayahan sa luntiang kapaligiran.
At matututong magtiwala ng walang kunwa-kunwarian.
Nang di nagbabakasakaling ako’y masasaktan.

Itong laro ng magkakaibigan,
Hindi ba dapat puro lang ngiti at tawanan.
O may natatagong kabalisaan at mahiwagang pakiramdam;
Na sa huli, ikaw ay kikilabutan.


Manila Cathedral
KFC Lunch
12:30nn - - 7.24.18

No comments:

Post a Comment