header (advertisement)

Sunday, July 22, 2018

WAG NA!


Huwag ka nang tumaya,
Sa sugal na pambihira.
Na ang puso ang pato,
Tapos sakit at pighati ang balato.

Huwag ka nang umasa,
Sa laro na ikaw at sya lang,
Dahan-dahang lalabas ang iyong karupukan;
Tapos alam mo namang ang kayo ay may hangganan.

Huwag ka nang sumali,
Sa grupo na kayo lang ang bumuo;
Kayo na ikaw lang talaga ang nauto;
Akala mo kayo, kaya para kang abno.

Huwag kang palinlang;
Sa mundong gawa sa kagaguhan;
Malinaw ang limitasyon;
At alam mong puro polusyon;

Huwag ka nang humiling pa;
Hiling ng isang pag-asa;
Na habang papa-alis sya ay lilingonin ka?
Tapos ano? Halik naman at Aylabyuhan pa?

Sadyang mapag-asam ka!
Mapag asam ng kabuluhan;
Kabuluhan na ang hirap himayin;
Na ang puso’t isip mo’y wala naman ibang pumapansin.

Inumpisahan ng walang pasubali;
Ang linaw subalit mapanali;
Nakalululong sa sarap ng bawat tagpo;
Lalo na’t nakakakiliti at mapang akit ang kanyang mga hipo;

Walang aminan ang totoong labanan;
Walang direksyon ang bawat sitwasyon;
Sobrang linaw ng bawat ebidensya;
Masakit man alam mong wala na.

Wala na pero alam mong meron pa;
Malinaw pero gulong-gulo ka.
Mahal mo pero mahal mo nga ba?
Mapanlito kaya magdiretsuhan nalang di ba?

Huwag! Ang sabi ng isip mo;
Maling linawin ang sya at ako;
Maling maghilamos ng katotohanang liko-liko,
Dahil alam kong sarap na sarap ako sa salawahang tagpo.

#akrobatiko

No comments:

Post a Comment