header (advertisement)

Wednesday, February 26, 2020

Hapdi

- - OMM’s Law

Halos mapatid ang litid ko,
sa mga linyang binibitiwan ako.
Sa mga sandaling kay lamig,
at tanging ngalan mo ang bukambibig.

Lumilipas ang panahon,
nagtakda ako ng pagsunog sa iyong kahon;
Nang mabigyan ng agwat,
mga pangarap,
yakap,
halik at pagtanggap.

Totoong masakit tanggapin ang nararapat.
Lalo na sa aking sobrang bilis dumiskubre ng kahapon.
Bago nabigkas ang salitang “itigil”.
Ilang araw nang humuhuni na
parang hangin at ipil-ipil.

Sa pagtanggap ng mga pulseras,
Saya at lungkot ay tumataas.
Sinisipnay ang nakalipas.
Na tila ba wala na,
sa iyong papatas.

Makapangyarihang tula,
ipinilit talaga ni Choi.
Ako’y di nakinig,
Tumutol.
Nanaghoy.

Subalit sa huli,
Magbabalik.
Aahon.
Sa mga tulang
Magbabalik ng kahapon.

#infinitylocksoul

No comments:

Post a Comment