header (advertisement)

Tuesday, March 10, 2020

Wirdo (5 minute challenge)

- - OMM’s Law

Masakit tawaging wirdo,
Lalo na’t labi mo ang bibigkas nito.
Kahit mabagal at tahimik
ako sa kabilang mundo.
Masaya ako’t sinagot ang mapamukaw na ispiritu.

Ano nga bang kinalaman ng kabagalan mo sa salitang wirdo?
Wala na naman,
Subalit meron sikretong nilalaman.
at dalangin ko’y sana’y dinggin ng kalawakan.

Nakakagulat na ikaw ay bumilis.
Nagbasa,
Numamnam,
natulog?
Oh bakit tumahimik?

Wirdo talaga ang isang naisip kong hamon;
Wala man lang kapalit kahit konting hinahon.
Pero masaya kong lumikha nito.
Nag uumpisa nanaman sa tao’y gumusto.

Isang salita na senyales ng kaibahan,
Wag naman sanang isip na isang kabaliwan,
Matindi ba o balangkas nang kamunduhan?
Pero sana naman ito’y di satin maging hadlang.

Naliligaw lang sa mga pabatid.
Naiiba ngunit marunong magmahal at umibig.
Pintas ba? Oh bat parang saki’y himig.
Ano pa nga ba, ako ang wirdo mong pag-ibig..

#infinitylocksoul

3 comments: