Ang Munting Pangarap ng Maitim na Bulak
Orville M. Mancilla
(Black sheep)
Sa pagdalisdis ng
sangang may tinik sa aking likuran,
dala nito’y sugat na
hindi maghihilom kailanman,
minamahal kong ama
lubhang ika’y nagkasala,
sa iyong anak na
tinatangi at sadyang pinagpala;
Lumukob sa akin ang
putik ng ating pamilya,
At ako’y nalunod sa matinding aberya,
Unti-unting sinimsim
ng maitim usok ang aking katawan,
Kaya’t ito’y nanuot
sa buto at sa koloob-looban;
Udyok sa akin ng
isang nakasutana,
Ang himig ng dyos ay
maririnig ko pa,
Ngunit pano na! kung pandinig
ko’y Basag na,
At ang itim na
linta’y kinain na ang aking kaluluwa;
Hinahanap kong
pagmamahal,
Sa iba natagpuan,
Sa lirip ng droga at
magagandang dalaga,
At doo’y binansagang
anak ng Afghanistan ;
Mumunting pangarap
unti-unting nabuwag,
Nilunod, winarat ,
binasura ng walang palag,
Bumaon ang palakol na
iyong pinukol saking puso,
Nag iwan ng pilat at matinding
sugat;
No comments:
Post a Comment