header (advertisement)

Tuesday, July 17, 2012

Paano Ma-inlove ang Bulaklak sa isang Bubuyog



Paano Ma-inlove ang Bulaklak sa isang Bubuyog
Orville M. Mancilla

Note: Love is a Science….
Ang pagibig ay parang Metamorphosis’,
mayrong mga “stages” at mayroong “cycle”,
mayroong umpisa at meron di’ng  katapusan,
di kawasay nagbabago at nag eevolve din naman kahit papano;

1st stage: Kapag May itinanim  mayroon aanihin.
Ang tuyot na buto na nilamon  ng lupa:
ako ba’y masama kaya pinagdamutan ng tadhana?
Inang kalikasan sana nama’y ako’y iyong pakinggan,
Upang muling mabuhay at mamulaklak ng tuluyan;

2nd stage: When it rains it falls.
Ang panaghoy mong dakila,
Ay karapat dapat lamang suklian ng gintong luha,
Luhang ibibigay ng langit sa anyo ng ulan,
Ulan na  papawi ng iyong uhaw at huhugas sa iyong mga  kasalanan;

3rd stage: There’s always a rainbow after the rain.
Tumila ang ulan at lumipas ang mga araw;
Ang butong pinagkaita’y yumabong at nagkadahon ng berde’t dilaw;
dumating ang pinapangarap mong araw ng pamumulaklak,
upang ganda mo’y masilayan at malanghap ang iyong  halimuyak;

4th stage: Beauty is in the eye of the beholder.
Ganda mo’y lumantad at kariktan mo’y nalasap,
Nang mga bubuyog na lumiligid sa mabangong bulaklak ng Tulip,
Sinisinta kita Oh irog kong tulip,
Oh ako’y iyong bigyan ng pulot na may takip;

5th stage: It’s better to give than to receive.
Tamis ng iyong pulot ay hindi mo pinagkait,
Sa mga bubuyog na may panusok na sobrang sakit,
Ibinibigay mong lahat kapag ikay nagmamahal,
Ngunit katawan mo’y bumigay ,nalanta’t nabuwal;

6th stage: Nasaan ka ng kailangan kita.
Nalanta ang bulaklak sumunod ang katawan,
Bunga mo’y nalaglag at nabulok sa lambakan,
Ang iyong iniirog ngayo’y nasaan?
Sila’y kusang nawawala sa oras ng pangangailangan;

7th stage: Babangon ako’t dudurugin kita.
Mga bungang naagnas may lamang buto pala,
Ito’y muling babangon at magpaparami pa,
Hahaplos sa dadamin ng sangkatauhan,
Magpapabango at magpapaganda ng ating kapaligiran.

No comments:

Post a Comment