Pantasya
Orville M. Mancilla
Kailan ma’y di ko
Nagustuhan ang lasa ng alak,
O ang amoy ng chicong dinurog
sa bulok at naaagnas na mga paa,
ang nakakasulasok na simoy ng sigarilyo,
ang
nakakabulag at malayang nagliliwaliw,
datapwat kukurap-kurap na mga ilaw;
Nasilaw ang aking mga mata
at nadurog ang aking tenga sa
paulit-ulit na saliw ng
kantang
“BED OF ROSES”;
Ultimo isang basuka o torpedo
ang lirika ng mga kanta doon;
magpapasabog ng utak mo;
sisiksik sa bawat himaymay ng
iyong katawan
at siguradong
mapapaluluwa ng iyong buwa;
Ngunit umandar ang oras,
At ako’y unti-unting nalibang,
Sa mapangahas na isda sa
aquarium na dala’y
kasiyahan ;
Dalagang bukid kung sila’y tawagin,
Matamis mabango at lubos na mapang-angkin,
Isang haplos lang nila’y bibigay ka na,
Di kawasa’y titirik ang iyong mata;
Nang aking pinunit ang kapirasong tela,
Tila ba’y lumulutang sa hangin
ang aking kaluluwa,
batid ko sa kanyang mga mata ang matinding
sakit ;
ngunit ang ligaya’y gumuguhit
sa kanyang
pag-awit ;
Lipos na ang paligid ng matinding kamandag,
Kayat urong sulong ako sa pag-akyat,
Sinimsim na ng madilim na paligid
ang aking kaluluwa,
at ako’y nagpiyesta sa sobrang saya;
ikot-ikot ang aking mga mata kasabay
ng mga sigaw na puno ng drama;
at ang
tanging nasa isip ay wag ng matapos
ang masayang araw,
sapagkat lunoy na sa batis ang aking mga paa;
ako’y nagulat sa pagbukas ng aking mata,
sa mga halakhak at sigaw ng isang dalaga,
sya ba ang babae sa aking panaginip?
Salamat sa diyos at pantasya
ko’y nabatid;
Isang manipis na kawayan
ang sa akin ay
humagupit ;
ako pala’y nasa paaralan at nananaginip ;
No comments:
Post a Comment