header (advertisement)

Friday, December 14, 2018

Ang Busing Tuta

Ang busing Tuta..
-OMM’s Law

Ang busy2x pero naiisip kita;

Ang busy2x pero hinahanap kita;
Ang busy2x pero iniibig kita;
Ang busy2x nasaan ka na ba?

Bilanggo ng apat na pundasyon ngayon ang sarili ko;

Mahina ang sagap at walang hanging malanghap;
Mali kaya desisyong mailagay dito sa taas;
Kung ikaw nama’y di ko rin malalasap;

Sintensyang pinataw, nagpaagos ng patak sa balintataw;

Bakit pinagdaraanan itong tila ba sukdulang hinalaan.
Pinagdududahan ang pagsinta sayo hirang;
Dahil sa init ng ulo na di ka agad matanaw.

Mali siguro ang araw-arawing mithiin ka.

Mali siguro ang asamin na mapaligaya ka sa twina;
Mali siguro na magalit kapag segundo’y lumipas di ka kayakap pa;
Mali nga siguro subalit ganoon talaga ako at di na mababago.

Ngayo’y di alam paano tatapusin ang tahasang pagsulat ng tula;

Masakit, mapait na ganito naman,
Kausap ko ang sariling diwa,
Nag-aasal makata at nag aasatang nawawalang tuta.

#InfinityLockSoul

Thursday, October 18, 2018

My Lava Lava Lava.. I'm in Paradise whenever I'm with you..

OMM's Law
Oct. 17, 2018

I don’t wanna see you cry;
I don’t wanna see you sad;
I never wanna see you angry;
Nor wanna see you hungry;

Your shock-ness endears me;
Your happiness re-charge me;
Your sweet caress collapse me;
Please do not go without home me.

One sadness will endure me;
One angry icon will bug me;
A tiny pinch of you seduce me;
I love you, I hope you love me;

#Lovelock
#Infinitylock

Wednesday, September 19, 2018

Bakit Nawala

Bakit Nawala..
OMM's Law


Sept. 19, 2018 - van

Bakit kailangang humanap;
Kung sya ang hinahanap-hanap;
Bakit kailangang umiwas;
Kung ikaw naman ang lunas.


Sept. 20, 2018 - CR

Simula kagabi;
Kaninang madaling araw:
Tinatanong ang Diyos;
Bakit luha ayaw pumatak;

Tapos ilang minuto bago mag alas dos;
Naalimpungatan at ngiti ay nanatili;
Alas otso impunto;
Chun, wala na;

Wala na ang paglingap na nadarama;
Wala na lahat;
Ubos na;
Payapa na;

Sana bumalik;
Sana sumaya;
Sana tula'y umapaw pa;
Sana.. sana.. 

...ngunit sadyang wala nang nadarama..

#Infinitylockend

Monday, September 17, 2018

Sending Ends

Sending the End..
- OMM’s Law


As the signs aligned;
Reality is divine;
truth was conquered;
the finality of surrender;

I tried to stop the the stars alignment;
Its you fulfilling the act of murder;
Hymn stops in the middle;
Fingers caught on the string of fever;

Goodbye means it will just stop;
Bye means will remain in the pot;
Eye starts in ‘e’ and ends the same spot;
Fantasy says it will just stop.

#twirlingice
#infinitylocksoul

Sunday, September 16, 2018

Tula

Tula
- OMM’s Law

Manunuot ang mga salita;
Letra at bantas ay maglalaro sa mga talata;
Sabay mulat ang mata ng isang makata;
Ilalabas ang panulat at malalamyos na diwa.

Lalaruin unti-unti ang tangang pluma;
Tapos magsisimulang ilabas ang drama o saya;
Kayurin mo nang pambura ang pag-iisip sa kanya;
Dahil alam mong ito ay problema;

Di maiwasang mag-isip ng di maganda;
Dahil ikaw ang sadyang sinisinta;
Bakit masama ang ihip ng hangin?
Baka dala mo’y masamang ispiritu patungo sa akin;

Ayoko nang isipin ka;
At magsayang ng tinta ng pluma;
Ang hirap alamin ang bawat mong galaw;
Kaya siguro di ako pangmatagalan;

Sa ibat-ibang uri ng tao,
Kaibigan lang ang sa aki’y nagtatagal;
Dahil utak ko’y mapag-isip ng masamang larangan;
Pagligid nito’y di maisplika, parang iyong kaluluwang di ko maikadena.

Linangin ang isip sa dami ng kamunduhan;
At ibaling ang ang damdamin sa tamis ng kakayahan;
Ugaliing magtira ng pagkain para sa sarili;
Nang di matuyo ang puso na sayo’y sawi.

Thursday, September 13, 2018

Syam Napung Sinag

Syam napung Sinag
Omm’s Law


Di ko kayang sumulat;
Di ko kayang ipahayag;
Di nakakaramdam;
Walang lunas, 
walang kinalaman;

Hanggang ngayo’y naguguluhan;
Ako ba’y may naramdaman?
Pinipilit patuluin ang luha;
Dahil may parang bigat na di kumawala;
Ako ba’y nalulumbay o sadyang gusto lang ng kulay?

Nasan na ang lungkot na sana’y sumapi sa akin?
Nasaan na ang pagdurusa at hingapis na sana’y ako ay gapangin?
Bakit ako’y di umiinda;
Di nagbabakasakali;
Di naghihintay ng muli;

Sadyang may mali;
Akala ko’y ikaw ang bibigti sa isipan kong mapanuri;
Anong nangyari’t walang kumawil sa hari.

#infinitylockstone

Friday, August 31, 2018

Pagsubok na naman!

Pagsubok na naman!
 - OMM's Law
Araw ng Pagkabuo: Aug. 29, 2018


Lingid sa inyong kaalaman,
Ako’y lubos na tinamaan,
Sa di maipaliwanag na paraan,
Ika’y laging gustong makamtan;

Simpleng tampuhan na dati’y kaya kong tiiisin;
Ngayon magpapaubaya at kayang magpaalipin;
Alam kong sugal pero masaya akong masasaktan;
Kung sakaling puso ko’y gusto mo talagang pahirapan;

Kahit na parang “sana” pinatay mo nalang ako sa anim na buwan mong hamon;
Utak kong pikon di kayang mag alboroto ng maghapon;
Parang naghihimagsik at puri ko’t damdamin;
Sa mga simpleng banat na bumabaong napakalalim.

Ikaw na nga ata ang aking kahinaan;
Natipong kapag akoy iniwan ay sabay na ding hihimlay;
Subalit kapag akoy sinuwerte at nabuhay sa iyong pagbitiw;
Sigurado akong magiging matikas na mang-aaliw na medyo baliw.

Ikaw na inspirasyon ko sa bawat pagising;
Mensahe ko sana’y iyong dinggin.
Hindi man ako maging tulad nilang naging masayang parte ng iyong nakaraan;
Susubukan ko namang maging perpekto sa mata mo kung ano ako ngayong kasalukuyan.

#infinitylockheart
#dream

Buksan Mo

Buksan mo.. Papasok ako
- OMM's Law
Araw ng Pagkabuo: Aug. 29, 2018


Bakit ganon ang mundo;
Ang daming kumplikasyon at puno ng pagbabago;
Minsan sa isang bughaw na buwan ko lang makikita ang haba ng daluyong na hatid mo;
Bakit may tsansa pa na mawala ka sa piling ko.

Bakit pa naimbento ang salitang “inip”;
Kung ang dulot nito’y peligro sa ating panaginip;
Panaginip na ayaw na ayaw kong pigilan;
Dahil ikaw ay ayaw kong pakawalan;

Masyadong marubdob kung ano man itong aking nararamdaman;
Na sa panahong ito’y kapag ka daka’y iniwan;
ay paranang inihaw, pinulbos at isinabo’y sa kailalim-ilaliman;
Kaya alam mo na: buksan mo yan at papasukin ako.

#infinitylockheart
#sensation

Thursday, August 30, 2018

Construction Boom in the Philipppines

Construction Boom
- OMM’s Law
Aug. 31, 2018


Image result for Construction works
At muli nating bistayin ang mga buhangin;
Nang masinsin na humiwalay ang bato, bubog at mga sintimyento ng damdamin;
Babakin ang pundasyon na humahadlang sa pagpanaw ng mga dalangin;
Nang sa wakas buong-buong masilayan ang liwanag ng preskong hangin.

Kapag daka’y nalimas na ang mga hangarin;
Simulan namang masahin ang tubig sa buhangin;
Bungkalin ang bagong susuotan ng itatanim na halige;
Kasabay nang pag-aakalang puro ang ibubuhos na insentibo palage.

Isunod ang pagsipat sa swelo ng mga palapag;
Siguraduhing patag at naayon sa sukat;
Di tulad ng mga tiwalang pwedeng tumiwalag;
Parang plumang aandap-andap at mahirap maaninag.

Sunod na Balangkasin naman ang mga hagdanan;
At suriin ang kung nararapat ang planong baitang;
Baka halusinasyon ang sayo ay nag-aabang;
Sapagkat ang arkitekto ay nagtatago sa huwad nyang anino.

Bumuhos bigla ang asidong ulan;
Nakalima ka lang sa planong walong binububungan;
Damdamin mo’y nagbuhos ng sentimyento;
Akala mong simento biglang nalusaw ng asido.

Mga materyales ay hindi nasala ng kumpleto;
Pati plantilya mo ay nawawala na din sa uso;
Palitada, gililan, plantsa at iba pa’y bitak-bitak mong nasalo;
Simula palang pala ay mali na ang asintado.

Kaya ngayo’y naliligaw kung paano;
Umuulan, lumilindol at may mataas na mga daluyong;
Konstruksyon ba’y itutuloy o bubuwagin nalang;
Kasabay ng pagsuko sa mga hangarin sa kawalan.

#InfinitylockEarth
#swellington


#civilworks

Laila de Lima

Laila de Lima
- OMM’s Law
Aug. 31, 2018

Lies are made for different reasons,
Lies sometimes use for different occasions;
Often use to hide limitations;
the best wrecker of the ultimate relations.

White lies maybe lies for initiated protection;
no matter how intense it is still lies of disruption;
A permanent stress that will fail the momentum;
A single termite that destroys the wooden imperium.

Dreams made of lies will lead to Depression;
Loss of appetite and some expected intentions;
the worst ever Hatred cultivation;
started from ambiguity and ends in delusions.

It’s easy to resist the main manipulator;
like a chicken dusted with gold I will not even make a valuation.
Falling from the sky an angel in disguise;
A kiss from that angel’s lips felt like Judaisms strike.

#infinitylockfire


#mastery

Wednesday, August 29, 2018

Ang Mapanlinlang na Oras

Ang Mapanlinlang na Oras
- OMM's Law
Araw ng Pagkabuo: Aug. 28, 2018


Image result for hypnotism clock
Noon ang init ng panahon ay laging kalmado,
Noon ang inog ng mundo ay ultimo perpekto,
Noon, dahan-dahan ang pintig ng puso ko,
Bakit ngayon, Oras ako’y niloloko.

Di ko mapaniwalaan ang tatlong oras mo;
Tila ba’y isang minuto ko pa lang sya naamoy,
Ang sabi mo’y almusal na ang sasalubong sa inyo?
Bakit ganon? Ikaw ba’y sadyang manloloko?

Sana’y dinggin mo ang himig ko,
Dahil sa bawat sandaling hinihiling ko,
Sya ang nasa puso’t isip ko,
Huwag mo namang madaliin ang panahong matagal nang naburo;

Naiinis ako dahil kay dalang ng aming pagtatagpo;
Kapag kami’y kakain bakit parang nabibilang ang mga subo;
Kapag kami’y kakanta’y kay bilis ng koro;
At sa twing kami’y magkatabi bilang ang bawat segundo.

Lahat ng mabilis na bilang mo;
Pakiramdam ko’y umaatikabo;
Mga sorpresang banat mo;
Kalungkutan ang nadarama ko.

Sadya bang mabilis o napapatigil nya ang oras sa piling ko?
Yung parang walang lungkot na magpapabagal ng mga senaryo.
Apoy at alipato’y maglalagablab ng slomo,
Na tila ba’y kami lang ang taong nalalabi sa paraiso.

#timespent
#locked

Friday, August 10, 2018

Kung di rin lang ikaw.


Hello reader!

Savour your saturday morning with sentimental songs
from December Avenue. Ang sasakit ng mga kanta nila,
Tila ba isang punyal na unti-unting bumabaon sa iyong
Dibdib. Bawat galaw ang sumasakit, bawat pagtitiis ay
Katumbas sa isang milyong kirot.

Kung di rin tayo sa huli.. Huwag nalang di ba? Listen to
the song and be hooked. Let you brain bleed with the lyrics and
Your heart pledge with the rhythm.

#sensationalsongs

Sa Ngalan ng Pag-ibig


Hello saturday morning!

Let us listen to December Avenue pampagood vibes.

#happysaturday

Wednesday, August 8, 2018

Deadline

Of all the things,
What I forget is the deadline.
The challenge started last Aug. 05, 2018.
If after one month (Sept. 05, 2018)
No body concede, then the challenge ends.

It means that we can now easily work on the
Possible outcome that might happen.
Traumas will now be overcome
In case the big one happened while
The aftermath will always be there
But very neglegible.

#announcement

Tuesday, August 7, 2018

#27

Twenty Seven

OMM’s Law

8-8-18



As I write my name and other details in the hospital, I pressume of the details I wrote.

All information were blurred except for the age. It is embossed, highlighted and almost in gothic font. I can’t stop but image the moment. I am now twenty seven years old but contention is yet to be achieved. A lot of dreams are yet to be fulfilled and even the slightest magnitde haven’t hit the intensity of success.

The perspective of luminosity for me is Family, Life’s Health, Love Life and Financial Stability. With these sectors coming into play, I would have fonder success on financials but I can’t seem to point out if I am really there. 

Contention haven’t hit me for all those avenues except to the family part.

Life’s Health would really be crazy as I have scoliosis. I still remember my supposed to be first job in HCG wherein I am perfectly qualified for the postion but they have turned me down after knowing that I have scoliosis. My world breakdown and my knees almost colapse like my hearts gonna stop. Thanks to my mentor’s approach and only to find out that the company will require me to inspect toilet bowls that it why I need to do some lifting jobs and scoliosis condition is not allowed on all engineer. This is a form of discrimination but it’s also for the employees so in the end (after 3 months) I have understand. Of course windows have open and much mo better like an apprentice ship management post in Unilever.

Love Life.. this is the section that I have yet to explore. I haven’t love for a very long time. I think I haven’t love someone else before even though I have six(6) relationships ranging from 1 month to 6 months. Now I understand that most of it was lust or infatuation for lust. With me watching porns all the time I really think that all of it was pure lust. My mind may thought that everything would start from lust, then friendship and love but none of these flow process happen. Its all lust, lust and lust. After the lust fade out then it’s all bad goodbyes. Fast forwards to the current set-up I started to experiment but nothing seems to work. I am expecting serendipity but when will I know if that is serendipity? Will serendipity lead the way and bring the perfect person in front of me? I am an auditor or just call it inspector, I check the movements, action, motions and others. I have set the qualities and expectation I would want for the person but will that person like me back? That is the uncertain question I dare to ask. If that person ask me back then everything clicks, I will still perform a continuous test. And if I see cracks then Its all over.  I ask someone while walking on the pavement; Will you be angry if your other half cheat on you? The response is out standing.. My friend said without hesitation that hearts will be broken but definitely chances will be given. In my perspective, its is like safety that will always be non-negotiable. The song I hear today reminds of the every people’s experiences. I get so excited hearing sorrowful arrogance inside a song, it’s like they are boasting their misery and they are glad they moved on and experience the unimaginative scenario that only the strongest and willing people to be vulnerable can experience. Someday I might risk. Risk on the person I believe would be mine; Risk on a person that would wants me for the longest time.

Oh its my turn for the doctor’s checkup lets continue this the next time.

#checkup


Saturday, August 4, 2018

Losing Streak (Mobile Legend)

Losing Streak
- - - OMM’s Law

Elemental fusion recommends contention,
with swords and arrows getting too much attention, 
Shrouds of shadows will fake our realisation,
Immortality defines the resurrection,

Bandwidth corrupts the fate,
while feeders are most likely the one to blame,
Sometimes alike techniques fuels the dream,
Giving allies a ton of wins.

The start filters maturity,
mid game pacifies their mentality,
Late game secures uncertainty,
while the end will echo any living Impurity,

Streaks will be mentioned in the very end,
with people’s mindset of the living dead.
Expecting to be always on top,
not realising the game’s perfect craft.

Its not about winning or losing,
most statements bring,
emotional forgiving,
forgiving not the enemies or opponents,
but yourself for bashing and cursing.

engaging thru the mortal’s satisfaction,
that the game squander your inner emotions.
Skill your traits with combos of the team,
And enhance the most effective moving on dream.

#mobilememe
#gametime









Sunday, July 29, 2018

Space & Time Continuum

- - - OMM’s law












And we are digging,
Digging and digging and digging,
Digging to find the treasure,
the treasure the resemble the pinacle of adventure!

What we want is what we already did,
Let us not experiment
and just enjoy the moment,

Truly the future is unpredicable,
but its you and me exploring the undiscoverable.
You are really a real time geek,
and me the geek that searches for leaks.

Flaws are meant to be there.
Expectations are welcome to show some glare,
but what matters is us keeping the flare,
that in this friendship no one is unfair.

The openess challenge hit a minor blow,
With compassion and emphathy flying so low,
the sixth day is the bitter-sweet resurrection,
with emotions uncovering all the negative intentions.

We are both one step ahead authistic breeder,
With trial and error that I don’t want to remember,
Searching for the baddest possibilities, I can’t take,
As Jugs and Ben&Ben songs want to demonstrate.

I’ll just learn to dive without me diving,
I ‘ll just sing the songs without any sound realising,
I’ll just experience the nightmare without me sleeping,
And imagine the future without even thinking.

I’ll be like your father expecting nothing,
I’ll be like him contented of something.
No experiment can reciprocate what will happen,
while time cannot be ever returned in the beginning.

#venividivici
#infinitylockwater

Tuesday, July 24, 2018

Apat na Duguang Krus

Apat na Duguang Krus
- - - OMM’s Law














At nakita ko sya sa unang araw.
Masusi kong sinala ang bawat singaw,
At bigla nalang syang sumigaw;
Nagdalawang isip tuloy akong at umatungal.

Bida ka nung pangalawang araw,
Lahat ng lente ay sayo lumulusaw.
Ako’y nakatutok naghihintay ng bulalakaw,
Natapos nang ganun ang pangalawang araw.

Umikot ang mga upuan ng pangatlong araw.

Ako nama’y sa likod lang dumudungaw,
Tumabi ka nang bigla at sa aking harapan ay lumutaw.
Nakipag-usap at tahimik na nakikiramdam.

Sumapit ang pinal na araw.

Naghahanap nanaman ng kaparehang lililip sa banahaw.
Sumalpak ng upo sa sahig at naglupasay,
Sabay tanong mo kung tayo na ba habang buhay.

#eyeinjuries

#tenderness
#bonesjointsmuscles

Monday, July 23, 2018

Mas Gusto..

Mas Gusto.




Mas gusto kong meron kesa wala,
Pero mas gusto kong wala kesa
merong parang wala.
Isang mahirap na sitwasyon.
Mahirap makasanayang wala,
Pero mahirap ding paniwalng hindi mawawala.

Ito ang yugto ng buhay ko na mahirap pakawalan,
Ito din ang sitwasyon na marami kang pinaniniwalaan,
Baluktot man ay marami kang katwiran.
Yung sabog ang utak mo dapatwat puno ng katarungan.

Sa pagsubo ng bigas ikaw ang naaalala,
Sa paglagok ng tubig iba nanaman ang hinuha.
Punong-puno ang isipan ko,
Kaya di ko matapos tong kinakain ko.
Inuna pa ang pagharap ng kwaderno,
Akala mo’y ikabubusog ko ito.

Iniisip ko ang iba sa kabilang banda,
Subalit tabingi talaga ang timbangang di nakikita,
Masyado kang mabigat sa aking panlasa,
Yung tipong sira na ang timbangan pero buhat pa kita.

Tila ba ako ngayo’y may malubhang karamdaman,
Parang isang batang iiyak kapag inagawan.
Nagiging maselan pagkatapos ng yapusan,
Di tinitigilang mag-isip ng kalokohan.

Masaklap man ako’y pinanghihinaan,
Sa twing binubuksan ang yong mga kahinaan.
Ritmo ng galaw na aking binabantayan.
Nakakasakit para gusto ko nalang pumikit.

Kaya itong kabulastugan aking gustong tigilan.
Nang maligayahan sa luntiang kapaligiran.
At matututong magtiwala ng walang kunwa-kunwarian.
Nang di nagbabakasakaling ako’y masasaktan.

Itong laro ng magkakaibigan,
Hindi ba dapat puro lang ngiti at tawanan.
O may natatagong kabalisaan at mahiwagang pakiramdam;
Na sa huli, ikaw ay kikilabutan.


Manila Cathedral
KFC Lunch
12:30nn - - 7.24.18

Sobrang Mali

Sobrang MALi
- - OMM’s Law

Lumusong ka sa batis ng ligaya,
akala mo talagang yon na!
Masyado kang nagbigay ng malisya;
Ba’t di mo inisip ang damdamin mo tanga!

Kinausap ko ang aking konsensya,
patawad na ititigil ko na.
Alam ko naman ang makulay na kalokohan;
Ito na’t puputulin ang kasukdu-sukdulan.

Ganito nalang bigla na lang mawawala,
Hinahon ay ibabalik sa aking mga tula;
Kumunoy ng pagnanais ay aking lilimasin,
mga memorya’y lilimasin at iihawin.

Ako’y sumandal sa silid aralan,
at unti-unting inantok, hinele sa kasalukuyan,
mga panaginip binaklas at inahit;
Sintensyang iiral parang premyong nabingwit.

Nagwagi ang wangis na atribida,
kaya’t ito na sya at nangungubra,
mga pag-amin kanyang kinamada,
Isa-isang sinunog, kinalas at tinumba.

Ito na sige na. Tapos na.

Fin - - - 7.24.18

Reverie

REVERIE
- - - omm’s law

Different location,
the same emotions;
Offbeat occasion,
with alike reunion.

Unique conditions,
to carbon copied attraction;
Distinct emotions,
for a retained affection.

Constrasting regulations,
for a doubled regression;
Revised formulation,
for consistent repercussions.

Divergent interpretations,
with alike encapsulation;
Altered actions,
for a dittoed satisfaction.

Unimaginative conversations,
perfects my circulation;
it’s you and me completing
all searching and boasting.

The moment introduced addictive strangulation,
delivering all spiritual sensations;
Rhythym is now being introduced,
while uncertainty is then gently produced.

Close your eyes and your lips.
Lets fall and breathe in that deepest sleep.
Lock your arms with my caress,
enjoined our souls with carelessness.

07.24.2018

Sunday, July 22, 2018

WAG NA!


Huwag ka nang tumaya,
Sa sugal na pambihira.
Na ang puso ang pato,
Tapos sakit at pighati ang balato.

Huwag ka nang umasa,
Sa laro na ikaw at sya lang,
Dahan-dahang lalabas ang iyong karupukan;
Tapos alam mo namang ang kayo ay may hangganan.

Huwag ka nang sumali,
Sa grupo na kayo lang ang bumuo;
Kayo na ikaw lang talaga ang nauto;
Akala mo kayo, kaya para kang abno.

Huwag kang palinlang;
Sa mundong gawa sa kagaguhan;
Malinaw ang limitasyon;
At alam mong puro polusyon;

Huwag ka nang humiling pa;
Hiling ng isang pag-asa;
Na habang papa-alis sya ay lilingonin ka?
Tapos ano? Halik naman at Aylabyuhan pa?

Sadyang mapag-asam ka!
Mapag asam ng kabuluhan;
Kabuluhan na ang hirap himayin;
Na ang puso’t isip mo’y wala naman ibang pumapansin.

Inumpisahan ng walang pasubali;
Ang linaw subalit mapanali;
Nakalululong sa sarap ng bawat tagpo;
Lalo na’t nakakakiliti at mapang akit ang kanyang mga hipo;

Walang aminan ang totoong labanan;
Walang direksyon ang bawat sitwasyon;
Sobrang linaw ng bawat ebidensya;
Masakit man alam mong wala na.

Wala na pero alam mong meron pa;
Malinaw pero gulong-gulo ka.
Mahal mo pero mahal mo nga ba?
Mapanlito kaya magdiretsuhan nalang di ba?

Huwag! Ang sabi ng isip mo;
Maling linawin ang sya at ako;
Maling maghilamos ng katotohanang liko-liko,
Dahil alam kong sarap na sarap ako sa salawahang tagpo.

#akrobatiko

Wednesday, July 18, 2018

Just Craziness Today.. 26-11-9

Here in my bed I start to reminisce; and today I learn that reminisce is all about enjoyable
memories of the past.

I still remember the place, the day, the time and how it happen. I was’nt really expecting
to meet someone that will have impact on me, my soul, body and spirit.

It was my mom’s birthday June 14, it was in the evening until June 15, that we started cuddling.
I didn’t know that the application would work like that. Its like one in a million probablities and of all 
places, God choses Bohol. A knot tying sension I still feel right in my core.

I like the place. The scent of air, the ambiance and the whole ride in Loboc river cruise.
But most of all, I like you.

It’s like I am talking to myself that I have’nt meet for 26 years, 11 months, 9 days, 2 hours and some
minutes.

Bohol is now my favorite place. Because that place will remind me of you. The person I think as my soulmate. I asked God that if you are the one, I would have to dream of you; and yesterday I did. But the situation is mind bugging. We were caught doing something in my dream. But its you and me
Naked and fulfilled in that dream. No matter what happen to us and the friendship we have right now I think that this is something I will keep. Forever in my heart I will treasure and forever in my mind
will be playing. Like songs of love I always enjoy; sentimental genre I endure and romantic love songs I never skip in my playlist.

Our dreams are far and tall, but I hope in the future will still be friends or
whatever we could call it.

#infinitylock#1
#preservationrecipewind






Friday, July 13, 2018

Bizarre Memento


I can’t finish the poem,
so I watch some porn.
then suddenly, I start popping corns.

Open the oven,
heat elevates,
Warmth and fog,
started to ventilate,
with garlic and butter;
aroma is so clever.

Hidden in the lines,
try to uncover the clues.
Fix my viens,
and pump some glues.

Open your eyes,
I see you sleeping.
Close it up,
I know your peeking.

Snowed nutrients I am searching.
Wasted I think,
split blinks are drifting.
Flabbergasted by the gulf,
I am not aware.
Dreaming as I am,
eyes are not closing.

Moments passby,
entrap me by your lessions;
Squeeze that lemon,
and press more onion.

Salted caramel my body asked.
sands on your knees,
I want some fats.
Tiring as they say.
Happiness I wish I may.

#onroll

Sunday, July 8, 2018

Mabahong Kwento (SPG)

Mabahong kuwento [SPG]

Warning, bawal sa maselan ang kwentong ito. Nakakahiya ishare pero who cares, di naman ako makikilala. Hahahaha! Ito na ata yung pinaka-nakakakaba, nakakahiya at pinaka-nakakadiring pangyayari sa buhay ko.

So ito na nga. Bigla akong sinundo ng boyfriend ko sa bahay namin. Wala akong kaalam-alam na pupunta siya. Sabi niya mag-lalunch lang kami sa labas sandali. "SANDALI" kasi kung di niya sinabi yung word na yun, di ako sasama dahil that morning uminom ako ng slimming tea na nagpapa--alam niyo na.

So nagbihis ako, casual lang. Short and Tshirt. Pero sabi niya mag-ayos daw ako kasi sa mamahaling resto raw kami kakain. Edi nag-ayos. Pero shet dinala niya ako sa bahay nila. Birthday pala ng dad niya. Pagdating ko sinalubong agad ako ng parents niya. Kwentuhan habang piniprep ang handa ng mga sisters niya.  Nung ok na lahat, kumanta na ng Happy Birthday for his dad tapos nag start na kumain.

Nakakalimang subo pa lang ako ng kanin na may ulam na liempo.. (krook) sigaw ng tiyan ko.

sabi ko sa isip ko, Lord wag ngayon please, wag ngayon

*krook* shet binibigyan talaga ako ng pagsubok ni Lord.

Me: Babe p'wede makigamit ng CR?
BF: Sige sa second floor, kaliwa kasi ung kanan pang shower.
Me: Sige, thank you. I will just go to the rest room. (umeenglish pa ang lola niyo)

Akyat ako sa second floor, pumunta sa CR sa kanan. Nakakita ng kubeta, nirelease ang sama ng loob. Haaay, kaloka ka Kankunis! Edi okay na, akala ko nalagpasan ko na ang pagsubok ni Lord. Ifaflush ko na yung mahabang ahas na dilaw, futaaa sira ung kubeta!!! Ayaw lumubog jusko!! Buhos ako nang buhos ng tubig pero napupuno lang siya TANGINUHHH! Di ko alam gagawin ko. Pakonti-konti lang ang lubog ng tubig pero lumulutang pa rin ung object na korte at kulay saging. Hayuup pawis na pawis ako sa kaba at sa ginagawa ko. Hulas na ang make-up ko mga ateng! Jusko! Tense na tense ako! Dasal dasal ako ng ama namin para lumubog ung saging! Ilang beses akong buhos lang nang buhos! Gusto kong umiyak!!

Mag-iisang oras na ako sa banyo pero di ko pa rin maresolba problema ko. Alam kong tapos na silang kumain at hinihintay na lang nila ako. Takot na takot ako na baka katukin na ako at madatnan yung pasabog ko sa kubeta nila. Nag iisip na ako ng mga plano. Mga planong ni minsan di ko naisip na magagawa ko sa buhay ko.

PLAN A. Dudurugin ko yung tae sa tabo tapos ibubuhos ko sa drainage. (salahula pero patibayan nalang ng sikmura)

PLAN B. Dadakutin ko yung ano tapos ibabato ko sa bintana ng banyo nila. (kaso iniisip ko baka may mabagsakan na kapitbahay at mag-reklamo, mas lalo akong pahiya)

PLAN C. Ito yung ginawa ko. Ito yung nagawa ko dahil tangina kinakatok na ako ng boyfriend ko sa banyo.

SA SOBRANG TARANTA, DINAKOT KO YUNG TAE GAMIT YUNG SUPOT NG PUREGOLD NA NAKITA KO SA BANYO NILA SAKA KO IPINASOK SA BAG KO. TANGINA BESSY MAINIT INIT PA!

Binuhusan ko ng shampoo ung kubeta sabay buhos ng tatlong tabong tubig para bumula at hindi mapansin yung madilaw na tubig.

Pagbukas ko ng pinto,

BF: Oh anong ginawa mo? Bat ang tagal-tagal mo?!
Ako na pawis na pawis at hinihingal: Umihi ako babe kaso hindi ko maflush yung bowl kanina pa.
BF: Yan lang pala eh, ako na bahala. Sige na bumaba ka na dun.
Ako: Babe, pwede bang umuwi na muna ako? Nahihilo ako eh, sobrang sama ng pakiramdam ko. Bawi na lang ako. Please?
BF: Sige babe, paalam muna tayo kina dad.

Edi ayon na nga nag paalam na, beso beso ganyan.

Pumasok ng sasakyan, yung boyfriend ko nagkukwento pero di ko iniintindi kasi nga tangina sino ba naman marerelax kung alam mong may tae sa bag mo diba?!!! Iniisip ko na sana hindi butas yung supot at hindi kumalat yung katas sa cellphone at mga make-up ko.

Hanggang sa bumalik ako sa ulirat dahil sa narinig ko mula sa boyfriend ko, "Bakit parang mabaho? Parang ano eh... parang amoy tae?"

Sabi ko, oo nga eh, baka may natapakan ka lang or baka ung hangin sa aircon? Or baka marumi na talaga tong kotse mo, ipalinis mo na.

At ayun, hanggang sa nakauwi ako ng bahay. Takbo sa banyo, tinanggal ang plastic na may erna at super thankful na hindi butas pero mejo basa basa pa rin ang gamit ko gawa ng pagkakadakot ko ng erna sa bowl gamit yung supot.

And finally, yung bag itinapon ko kasama yung plastic na may erna sa malaking trashbin sa tapat ng bahay namin with matching..

"Adios!
Tangina ka pinahirapan mo ko!"

Lesson learned: Hindi porke taeng-tae ka na hindi mo na iintindihin ang kaibahan ng kanan sa kaliwa.

©2018
By:ABS-CBN

The Chilling Effect

Date: July 8, 2018
Disclosure: The third encounter



Dizziness flies;
Sleepless nights dies;
excitement starts to simulate,
our breathe intensely resuscitate.

I picture every scenes and sins in my brain.
Co’z I know that it might be washed by the stupid rain;

Once mentalities collide,
every points unite.
This is our road to sincerity,
and the key to the hidden mysteries.

Empathy is the encrypted name.
Walk me through this type of syllabic game.
Alzheimer’s struggled my very soul,
But its you lifting my me all in all.

The hymn speaks about unpredictability.
Hence the future forecast shows uncertainty.

Then you asked for performance evaluation,
its like me defining infinity raised to googol.

This time the effect is calming.
No blues but more of cooling and chilling,
Steady like your charm is claiming,
Dreamy like my fantasies are expecting.

Now I stop all future pessimism.
And look forward for Duterte’s Federalism

_in....

Monday, July 2, 2018

KaiLan

Kailan ba ito matatapos,
Yung parang gusto mo tapusin biglang ayaw mong magtapos;
Yung masarap pero mapait na pakiramdam;
Yung isang ilusyon sa kamunduhan;
Pero ikaw lang ang kinikilabutan;
Ikaw lang ang nahuhirapan;
Ikaw lang ang nanginginig;
Ikaw lang ang kinakabahan;
At higit sa lahat...
Ikaw lang ang pigil hininga
Sa isa matinding kalokohan;

Ang sarap maramdaman kasi bago lang;
Ang sarap tikman dahil sariwa ang laman.
Masarap lawayan dahil punong-puno ng palaman.

Kung matatandaan ko;
Hiniling ko to sayo;
Binigay mo naman panginoon.
Pero mahirap pa pala ito sa thesis ko.
Mas mahirap inumin sa apply juice ng nanay ko.
Ang hirap abutin sing taas ng bituin.
Mahirap kalagin parang kadenang walang wangis.
At mahirap hawakan parang hangin.
Pero masarap apakan parang buhangin.

Sunday, July 1, 2018

Isang Pagpili..


Salawahan ba o sadyang manunubos?
Dalawang tatlong oras nang masasarap na usapan.
Dalawang tatlong oras ng ungoy-unguyan.
Kita at ramdam ko ang yong sinseridad,
Ngunit ito na ang kumpirmasyon ng wakas.

Nagsalita na ang mapanuri kong damdamin,
Na saiyo'y marami ng umaangkin.
Hudyat ng mabilis na pagsuko.
Ang regalo sayo ng aking puso.

Huwag kang mag alala dahil tayo mananatili,
Pagkakaibigan na kapuri-puri.
Kinumpirma ko lang, ang tamang sitwasyon.
Na dapat satin ay di na pabulong.

Pinipili kong maging kaibigan ka.
Na walang pag-ibig, romansa at anomalya.
Isang diretso at klarong pagtingin.
Hindi kailangang humiling ng paumanhin..

Saturday, June 30, 2018

Bathroom Thoughts..


Here I am on my bathroom once again.
Thinking of the possibilities. Nagmumuni-muni, Tama taglish tong article ko ngayon.
Since I am amidst in the middle of something I cannot describe.

Sa mga readers ko, have you feel this feeling I am experincing right now?
To be able to touch something that is invisible? Medyo mapanglito ang mga salitang gagamitin ko pero sana may kawavelength ako na maka-intindi nito.

Mahirap ilathala gamit ang mga salita ngunit susubukan kong pamukadkadin habang ako’y nasa trono. (Hindi ako nadumi ha.)

Yung pakiramdam na di mo akalaing mararamdaman mo. Yung esensya ng taong di mo naman kamukha o kaugali pero saktong-sakto o identical ang pag-iisip nyo. Yung kapag dinescribe mo ang utak nyo ay parang repleksyon sa tubig na singlinaw ng bagong lutong salamin.
Bakit ba sarap na sarap tayo sa pakiramdam na ito? Honestly, siguro o baka, ngayon ko lang naramdaman ito. Sabi nga nya “vulnerability”. Hacking 101 ko lang kasi yan naririnig. Pero parang nahack ako. Yung lagi kong ginagawa ayaw ko palang gawin sakin pero sarap na sarap ako kapag ginagawa sakin. (Hindi sex to ha). Yung mahack ang sistema mo? O para madali, yung kaluluwa (soul) mo. Ngayon lang to nangyari. Kung paano ko ginamit ang pegasus sa kanya at paano sya namangha ganun din ata ang impact sakin. I was caught off guard. Pero kapag nasuntok ka
Sa boxing di ba babangon ka at gaganti. Iba ang lagay sakin eh. Bumangon ako, lumapit at humiling na banatan ulet ako. Sa madaling salita bugbugin ulit ako. Hindi ko mapagtagpi tagpi ang ang bakas na nasa sistema. Pero parang isang malungkot na nobela, sumingit na naman ang entelehente kong isipan. 

Sabi ng utak ko, ito ang katapusan.  Sobrang bilis. May conclusion agad. Nabasa na agad lahat ng dapat basahin at alamin ang dapat alamin. Mula sa Bhutan patungong Basilan. Mula social networking sites hanggang outlook. Bawal nga kasi o siguro mabilis lang nahulog ang puso ko. Tapos sabi ng utak ko hindi pwede. Sulsihin ko daw muna ang mga detalye at malalaman ko ang sagot.
Bakit ganon, ang sarap palang alagaan ang ibang tao, isipin sya araw-araw at pasayahin sya sa lahat ng paraan. Kaso nga parehas kaming wavelength at ang hindi ko lang alam kung parehas kami ng paraang mag isip. Sa pagsuway sa mga alam namin tama at sa pagbuo ng alam naming imposible. Sa akin kasi, kahit ang smokeless cigarette ay posible. Transferrable phone charging ay kayang kaya. Pero sa pag iisip ko, ang ako at sya ay tanging magiging isa sa ligaya. Ligaya naman di ba? Pero malungkot yun para sa akin eh. Ibigsabihin may parte syang di ko maiintindihan, talulot na di ko maaamoy at kaisipang di ko kailan man masusuportahan o maiimpluwensyahan.

Sa oras ng ligaya ramdam ko ang sya. Pero habang natutulog at kayap sya, nabubuo ang katotohanang mukhang walang ako at sya. Isang panandalian sayaw. Isang himig na sa tula mo nalamang magagawang imortal.

Gusto ko nga sya. Gusto sa lahat ng paraan. Kahit anong maging pangit o diperensya siguro sa kanya ay matatanggap ko. Pero ngayon lamang siguro to. Bakit ganito ba ako? Nangyayari palang nasa future na ang isip ko. At lahat ng panganib na maaring mangyari ay napredict ko na agad. Kaya sa huli o pagkatapos ng mahigpit at masarap nyang yakap, susulpot ang pakiramdam na para kang nilalagnat sa nagliliyab na buhos ng ulan. Split second lang talaga pagkatapos ng yakap nya. Bakit ganito ba ako? May ganito din bang tao? Kapag sa sarili ko risk and hazard assessment pa din ang ginagawa ko. Isama mo pa ang risk prediction at control. Mukhang kahit payuhan nyo ako, mas marunong lagi ang utak ko. Masyadong mapanakit at madaling magalit. O sya ligo muna ako. Gym pa ako. P.S kung mabasa mo man ito wag mo nalang sabihin o iparamdam.

Friday, June 29, 2018

Hudyong mga Labi

At inumang pansumandali ang aking labi,
Sabay labas ng dila sabay kaskas sa sariling labi.
Nalasahan ko nanaman ang iyong mga labi.
Lasa nang mapusok ng imahinasyong nalalabi.

Ano bang itong nararamdaman ko.
Ngayon lang ako naging desidido ng ganito.
Anim naman ang bilang ng dumaan, pero di ko man lang binalak
na balikan;
Itong bagong sensasyon ay parang droga.
Di naamoy at di din nakikita.
Subalit punong-puno ng lasa.

Nakakaulol ang isipin ang labi mo at labi ko.
Yung tila binigkis ng langit at impyerno,
Sabayan pa ng kamandag mo at pagiging agresibo.

Nahuhumaling ako sayong pagkatao.
Yung tila ba’y ikaw ang aking amo.

Nakakaasar na ako’y may ganitong talino,
At bakit sinubukang intindihin ang mundo.
Ayoko ng sumunod sa mga batas at libro.
Sa mga sabi-sabi ng lolo at lola mo.

Gusto ko nang suwayin ang mga estilo,
At buwagin ang diretsong landas na
sinasabi ng isip ko.
Gusto kong subukin na ilabas ang nararamdamang ito.
Pag-ibig mang ayaw mo, subalit di ko naman sigurado.

Wag kang mag-alala dahil walang dapat pigilan,
Hinding hindi ka din naman inaasahan.
Hayaan mo lang akong lumusong sa batis ng kawalan,
at suungin ang susunod na kabuktutan.

Gustong-gusto ko itong maranasan.
Nang di sumabog ang dibdib ko sa diablong nag aalangan.
Ayoko nang isipin ang iniisip mo.
Isama mo na din ang ibang tao.

Di ko ninanais na ang anumang ayaw mo.
Gusto ko lang masiguro kung ano ito.

Masaya ang alapaap na aking nararanasan.
Datapwat di ko alam ang kinabukasan.

Paano o ano ba talaga ang himig na ito.
Bastat may nangyayari sa aking kung ano.

Di ko pa ito nararamdaman kaya’t di ko kayang itago.
Kaya nama’y sa tingin ko’y may teorya na sa isip mo.

Di ko ito gusto sapagkat itinutulak akong pakielaman
Ang iniisip mo.
Siyasatin ang pagkatao mo.
At alamin ang ayaw at hilig mo.

Pakiramdam ko’y dumarating na ang kinatatakutan ko.
Na may darating na  bubulag sa mga mata ko.

Yung tipong wala akong paki sa kahihinatnan.
Basta masaya ka sa aking pakiramdam.

Bukas ka kasi sa aking mga banat
At istorya mo’y pinadinig sa aking paglanghap.
Buong pagkatao’y sa akin nilantad.
Nang walang pagbabakasakaling ako’y maninipat.

Nakakaasar na magaling kang magtiwala.
Sa tulad ko na di naman makahiya.

Bakit ka pa kasi nagpakilala.
Binuhay mo pa ang taong wala ng kaluluwa.
Kulay ko ngayo’y iisa.
Punong puno ng lasa mo at pagbabaka sakaling
Habang buhay na ito.

You’ve been Hacked!

The moment you enjoy it.. you’ve been hacked!
That intimate scene encrypted in your senses; you’ve been hacked!
Denying missing that person? Definitely you’ve been hacked!
Letting his lips move into your mouth then suddenly it tickles down?
Baby come on! You’ve been fvcking hacked!

When you deny it. Yes! You’ve been hacked!
Then the virus starts evading you cells,
Thru your veins, lipids, chromosomes up to the quark;
Baby it’s the hack!

That butterfly is not just a feeling in the stomach
Rather an insect that will soon break you apart!
And baby you’ve been hacked!
Your Central Commando Mr. Brain want’s to fight
But shinky heart is just so adorable to watch while being hacked!

Then it breaks!
Impressions walked out!
Your taste buds dryout.
That imaginary painting flushed out.

Its all a hack.

I cried.

Wednesday, June 27, 2018

Beat of My heart During the Second Encounter - June 25, 2018 (Makati)



Healing o Hiling?

Pakiramdam ko'y di mawari.
Isa na namang nag aalimpuyos na bahaghari.
Labi ng nagtangkang pintakasi'y matatanaw sa tuktok.
Hudyat nang nakagapos na antok

Unti-unting pinitas ang luha ng ulan
at pinaapaw ang batis ng kalawakan.
Dumausdos at nanuot sa malikhaing katawan;
isang sintensyang babalikbalikan.

Lirika ng musika'y di nagbakasakali.
Asul na liwanag ay totoong natatangi.
Hinahanap-hanap sa pagsapit ng ulan.
isang istorya ng kabalintunaan.